NAGBABALA si Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na maaaring umabot sa 4,700 ang hospital occupancy sa Agosto sakaling muling sumipa ang mga kaso ng Covid-19.
“It can go as high as 4,700 hospital occupancy, meaning it’s going to go as high or much higher than the Delta situation that we had. Pinapakita lang dito na ang mga tao, especially those at risk will be more vulnerable,” sabi ni Vergeire.
Kasabay nito muling tinutulan ni Vergeire ang panawagan na tanggalin na ang public health emergency.
“Yung public health emergency po was declared by WHO. This is globally, so kung sino ang magdedeclare na lifted na ang public health emergency, it is still the WHO,” dagdag ni Vergeire.
Aniya, ang presidente rin ang magdedesisyon kung tatatanggalin ang state of calamity na mapapaso sa Setyembre.