Highest daily tally since 2020: Covid new cases umabot ng 18,332

UMABOT sa 18,332 ang kabuuang bagong kaso ng coronavirus disease ngayong araw, Agosto 23, ang pinakamataas na naitala sa bansa simula nang magkapandemya, ayon sa Department of Health.

Dahil dito umabot na sa 1,857,646 ang kabuuang kasong naitala sa buong bansa, at mahigit sa 130,000 sa mga ito ay pawang mga active cases.

Nasa 13,794 naman ang tala ng mga pasyenteng nakarekober mula sa virus, habang ang kabuuang bilang ng recovery ay 1,695,335.

Iniulat din ng DOH na may 151 bagong bilang ng mga nasawi mula sa impeksyon habang ang kabuuan ng mga namatay ay nasa 31, 961.