SINABI ni Alliance of Health Workers national president Robert Mendoza na umabot na sa mahigit 9,000 medical workers sa buong bansa ang tinamaan ng coronavirus disease (Covid-19).
Sa isang panayam sa DZMM, kinontra ni Mendoza ang mas maiksing quarantine para sa mga healthcare workers.
“Sinasabi ni (Health) Undersecretary (Maria Rosario) Vergeire na ito ay based on science, merong bang based on science na iniiba ang general public sa mga healthcare workers?” giit ni Mendoza.
“Dapat sundin ang quarantine na 14 days kasi dahil ang Omicron virus nakakahawa even after six days,” aniya.