KINUMPIRMA ng Department of Health Huwebes ng gabi na mayroon nang local transmission ng mas nakahahawang Delta variant ng Covid-19 virus.
Ayon sa DOH, ito ang lumabas sa “phylogenetic analysis” na isinagawa ng UP- Philippine Genome Centercase at imbestigasyon ng DOH Epidemiology Bureau at mga regional at local epidemiology at surveillance units.
“Clusters of Delta variant cases were seen to be linked to other local cases, therefore, exhibiting local transmission,” ayon sa kagawaran.
Tiniyak naman ng DOH na handa ang pamahalaan sakaling manalasa ang Delta variant.
“Both the national and local governments have been continuously working together to intensify the implementation of the prevent, detect, isolate, treat, and re-integrate response strategies and increase the country’s health system capacity to be able to manage cases,” dagdag ng kagawaran.
Mayroon din umanong sapat na wards, ICUs at isolation beds sa bansa. Nag-iimbak na rin ng mga gamot at suplay ng oxygen ang mga ospital.
Pinaalahanan din ng DOH ang publiko na sundin ang health protocols at huwag nang lumabas kung hindi kailangan.
Samantala, sinabi ng OCTA Research na nagsisimula na ang muling pagpalo ng surge sa Covid cases sa Metro Manila.
“The OCTA research group believes that a surge in its early stages has started in the NCR. OCTA believes that an urgent and decisive response from the national government and the LGUs is needed to reverse the growing trend in cases,” ayon sa kalatas.
“At the very least, the IATF must contemplate a stricter quarantine status or impose more restrictions in the NCR,” said OCTA. “The current GCQ status without restrictions will not be enough,” dagdag nito.