Guidelines ilalabas para sa self-administered COVID test kit

SINABI ni Food and Drug Administration (FDA) officer in charge Oscar Gutierrez na tumatanggap na ang ahensiya ng aplikasyon para sa special certification ng self-administered Covid-19 test kits sa harap naman ng lumalalang bilang ng mga tinatamaan ng virus.

Sa kanyang ulat kay Pangulong Duterte sa isinagawang Talk to the People, sinabi ni Gutierrez na maglalabas ng panuntunan sa Enero 17.

Sakaling aprubahan ng FDA, maaari nang mag-test sa bahay ang mga Pinoy para malaman kung positibo sila sa Covid-19.