NAGPAHAYAG ng pagkabahala ang Private Hospitals Association of the Philippines Incorporated (PHAPI) sa posibleng pagkalat ng BF.7 subvariant na nagdudulot ng pagkalat ng coronavirus disease (COVID-19) sa China.
Sinabi ito ni PHAPI President Dr. Jose Rene de Grano sa kabila na nananatili pa ring mababa ang mga bilang na naoospital dahil sa COVID-19.
“Of course, worried kami. But ang pinaka-ano dito kasi is the symptoms are the same, I mean, mild pa rin. But because of the high transmissibility, mabilis maka-infect nito ‘no. Even iyong infectivity rate niya is doble kaysa dati na 10, 18. Ibig kong sabihin, kapag may isang infected na tao, puwede siyang maka-infect ng labingwalo instead na sampu lang sa dating variants,” sabi ni de Grano.
Idinagdag ni de Grano na ang pagsusuot ng mask at patuloy na pagsunod sa mga health protocol pa rin ang pinakamabisang panlaban sa COVID-19.
“Whether indoors or outdoors at hindi naman tayo kumakain, mas maganda na ipagpatuloy natin this last barrier, ang face mask nang sa ganoon maprotektahan tayo hindi lang sa COVID, sa other respiratory illnesses m, alam ninyo naman na common ngayon ang flu,” aniya.
Milyon-milyong mga Chinese ang tinatamaan ng COVID-19 sa China dahil sa BF.7 subvariant.