ITINAKBO sa ospital si Sen. Richard Gordon Miyerkules ng gabi dahil sa pneumonia na bunsod ng Covid-19.
Ayon sa kalatas mula sa tanggapan ni Gordon: “Upon the advice of his physician, Senator Dick Gordon was admitted last night to the Makati Medical Center for observation and further testing related to Covid-19.”
“Senator Gordon is being treated accordingly and will remain at MMC until further notice,” ayon pa sa kalatas.
Kahapon ay inanunsyo ni Gordon na positibo siya sa nakahahawang sakit.
Bakunado ang 75-taong-gulang na mambabatas.–A. Mae Rodriguez