Gobyerno walang pondo para sa ECQ

INAMIN ng Malacañang na walang pondo na pang-ayuda ang pamahalaan sakaling isasailalim sa enhanced community quarantine (ECQ) ang Metro Manila.


Ito ang sagot ni presidential spokesperson Harry Roque Jr. sa hirit ng mga alkalde ng National Capital Region na payag sila sa dalawang linggo na ECQ kung bibigyan ng cash aid ang mga maapektuhang residente.


“We assure the mayors that we are closely monitoring the Delta variant. We are employing whole of nation approach. Hindi basta-basta puwede mag-ECQ sa Metro Manila. Hindi ko po alam kung meron tayong ayudang maibibigay,” paliwanag ni Roque.


“60 percent of our GDP (gross domestic product) is from NCR Plus 8. Under a complete lockdown, people will lose jobs. Habang tayo ay nasa moderate risk, hayaan po muna natin magtrabaho ang ating mga kababayan,” dagdag niya.


Sinabi rin ng opisyal na ang desisyon ni Pangulong Duterte na palawigin ang general community quarantine (GCQ) “with heightened restrictions” sa Metro Manila ay ibinase sa rekomendasyon ng mga eksperto.


“We have doctors, epidemiologists, political scientists…Hindi po sila magre-recommend ng makakasama sa atin,” ani Roque.