POSIBLENG nakapasok na sa Pilipinas ang bagong Omicron variant.
Ito ang sinabi kahapon ng Philippine Genome Center Executive Director Dr Cynthia Saloma sa Laging Handa press briefing.
“The possibility exists pero until such time na mayroon tayong whole genome sequence hindi po natin masabi iyan,” ani Saloma.
Kasabay nito, nanawagan si Saloma sa mga lokal na pamahalaan at sa Regional Epidemiologist Surveillance Units na agad na magpadala ng mga sample ng COVID-19 sakaling tumaas ang mga kaso sa kanilang nasasakupan.
“Kapag may nakita po kayong mga increase in cases or may mga spike in cases in a particular area na may cluster magpadala lang po kayo ng sample sa Philippine Genome Center and we are always ready to sequence them. Makipag-ugnayan lang sila sa ating DOH Epidemiology Bureau at magpadala po agad,” dagdag ni Saloma.