SINABI ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. na nagpositibo siya sa Covid-19 ngayong Linggo, Mayo 22 matapos sumailalim sa RT-PCR test.
“I wish to inform our countrymen that I have tested positive for COVID-19 after undergoing my weekly RT-PCR test on Sunday, May 22,” sabi Galvez.
Idinagdag ni Galvez na nakararanas siya ng bahagyang mga sintomas.
“I am experiencing mild symptoms but remain in high spirits. Members of my immediate family and I are fully vaccinated and have received the booster shot. All of us are under isolation,” ayon kay Galvez.
Humingi rin ng paumanhin si Galvez sa mga taong nakasalamuha niya sa nakalipas na limang araw na magpasuri ay obserbahan ang kondisyon.
“While I am under isolation, I will continue to monitor the country’s peace processes and vaccination efforts,” dagdag ni Galvez.
Hinimok din ni Galvez ang hindi pa nababakunahan na magpabakuna na, gayun din ang maaari nang tumanggap ng booster shot.