Face shield panlaban vs Covid Delta variant

PABOR ang National Task Force Against Covid-19 (NTF) na panatiliin ang pagsusuot ng face shield sa banta ng mas mapanganib na Delta variant mula sa India.


Sa isang panayam, sinabi ni NTF spokesperson Restituto Padilla na maglalabas si Pangulong Duterte ng kanyang desisyon kaugnay sa rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) sa Lunes.


“Masyado pa pong maaga. Tulad nga po ng sinabi ng ating mga eksperto, huwag po nating ihambing ang Pilipinas sa Estados Unidos dahil ang US nangangalahati na ng pagbabakuna sa kanilang populasyon. Tayo ay nagsisimula pa lamang,” sabi ni Padilla.


“So, kapag tayo ay magbago ng polisiya, baka tumaas pa mga kaso natin. ‘Yan nga po ang pinag-iingatan natin dahil mas nakakahawa ang (Delta variant) at doon sa mga mahahawa ay maaaring mas delikado,” dagdag ng opisyal. –WC