IGINIIT ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na mananatiling mandatory ang pagsusuot ng face shield hanggang wala pang pinal na desisyon si Pangulong Duterte hinggil dito.
Sa isinagawang Laging Handa briefing, sinabi ni Vergeire na bagamat inirekomenda ng Inter-Agency Task Force (IATF) kay Duterte na sa loob na lamang ng mga gusali at may mga bubong na lugar ipatupad ang pagsusuot ng face shield, wala pang aksyon si Duterte ukol dito.
“So, sa ngayon po, we remain in status quo – ibig sabihin kung ano iyong pinapatupad natin dati, ipapatupad muna natin ngayon hanggang magbigay po ng desisyon ang ating Pangulo ukol dito sa face shield na ito,” sabi ni Vergeire.
Tiniyak din ng opisyal na maglalabas ng bagong kautusan ang Department of Health (DoH) sakaling may aksyon na si Duterte sa naging rekomendasyon ng IATF.