Face shield di na kailangan sa Maynila

ITUTULAK ni Manila Mayor Isko Moreno na itigil na ang pagsusuot ng face shield sa kanyang mga nasasakupan.


Pero, ipag-uutos lamang niya ito kapag nabakunahan na ang karamihan ng mga Pilipino.


Ayon sa alkalde, kailangan pa ring magsuot ng face shield dahil marami pa rin ang kaso ng Covid-19 sa bansa.


Pero ipinunto ni Moreno na sakaling maabot na ang herd community, agad niya itong ipagbabawal.


Aniya, wala umanong pag-aaral na nagsabing epektibo ito laban sa virus.


“Dagdag-gastos pa,” sabi ng alkalde. “Face mask na lang ang isuot.”


Sinabi rin niya na ang Pilipinas lang ang tanging bansa na gumagamit ng face shield.