SIMULA nang umpisahan ng Department of Education ang pilot face-to-face classes sa ilang piling paaralan noong Nobyembre 15, wala pang kaso ng coronavirus disease ana naitala sa hanay ng mga guro at estudyante.
Ito ang sinabi ngayon ni Education Undersecretary Nepomuceno Malaluan kasabay ng pormal na pagbubukas ng pilot face-to-face classes sa ilang piling paaralan sa Metro Manila.
“So far, wala tayong naitatala na actual na confirmed na positive case of COVID in all of our participating pilot schools at sana magpatuloy yan in the coming days,” ayon kay Malaluan sa Laging Handa public briefing.
May 118 eskwelahan ang kasama sa pilot in-person classes na nagsimula noong Nob. 15, at ito ay binubuo ng may 7000 mag-aaral mula sa iba’t ibang panig ng bansa.
May 174 dagdag na paaralan, kabilang ang 28 mula sa Metro Manila, ang nagbukas din ng kanilang pilot in-person classes ngayong araw.
Posibleng hingin ng DepEd na palawigin pa ang bilang ng mga paaralan na isama sa pilot implementation ng in-person classes dahil sa inaasahan na mas bababa pang mga kaso ng COVID-19.