NANINIWALA ang isang eksperto na magdedeklara na ang World Health Organization (WHO) ng katapusan ng global health emergency dulot ng coronavirus disease (Covid-19).
Sinabi ni infectious disease expert Dr. Edsel Salvana na tuloy-tuloy na ang pagbaba ng mga kaso ng Covid-19.
“Taking all into consideration, malamang talaga na first quarter pa lang ng 2023 ay magmi-meet iyong WHO in January baka sabihin na nila na hindi na ito emergency bagamat hindi ibig sabihin hindi na tayo mag-iingat,” sabi ni Salvana.
Idinagdag ni Salvana na hindi pa rin dapat balewalain ang banta ng Covid-19.
“Hindi ibig sabihin hindi na po tayo mag-iingat dahil ang COVID ay nandiyan pa rin natuto lang talaga tayo na iwasan ito, at ma-manage ito but hindi ito lisensiya na sabihin natin na hayaan natin na,” aniya.