ISINAILALIM ng local Inter Agency Task Force (IATF) ng bayan ng Cabugao sa Ilocos Sur ang 13 barangay nito sa Extreme Enhanced Community Quarantine (EECQ) dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng coronavirus infection.
Sa tala nitong Sabado, may 154 active confirmed cases ng COVID-19 ang bayan ng Cabugao. May 11 pang minomonitor sa kasalukuyan.
Dalawa sa mga kasong naitala ay Delta variant, ang pinakamabagsik na variant dahil sa bilis ng transmisyon nito.
Ang mga barangay na isinailalim sa EECQ mula Setyembre 5 hanggang 19 ay ang mga sumusunod: Alinaay, Arnap, Baclig, Bonifacio, Bunglo, Cacadiran, Caellayan, Carusipan, Catucdaan, Cuancabal, Cuantacla, Dacrapan, Dardarat, Margaay, Namruangan, Pug-os, Quezon, Rizal, Sagayaden, Salapasap, Salomague and Turod.
Hindi maaring lumabas ang mga residente sa nasabing barangay maliban na lamang kung may emergency at medical purposes.