ISASAILALIM sa pinakamahigpit na community quarantine o enhanced community quarantine ang lalawigan ng Davao Oriental simula Setyembre 8 hanggang 21 bunsod nang mabilis na pagtaas ng kaso ng coronavirus disease.
“This was unanimously agreed upon by all local chief executives of the province led by Governor Nelson Dayanghirang during an emergency meeting held earlier today to address the alarming surge of COVID-19 cases in the province,” ayon sa kalatas na inilabas ng pamahalaang panlalawigan ng Davao Oriental.
Kasaluuyang nasa general community quarantine with heightened restrictions ang Davao Oriental.
Isa sa mahigpit na ipatutupad sa lalawigan ay ang curfew na magsisimula ng alas-8 ng gabi hanggang alas-5 ng umaga, at pagbenta, pagbili at pag-inom ng alak.
Ang mga lamay sa patay ay istriktong tatagal lang ng tatlong araw.
Base sa pinakahuling tala, umabot na sa 5,653 ang COVID-19 cases at 167 na ang nasawi.