WALA pang nakikitang dahilan ang Department of Health para magpatupad nang mas mahigpit na quarantine sa bansa sa kabila nang patuloy na pagtaas ng kaso ng coronavirus Delta variant.
“Sa ngayon po, wala pa ho tayong nakikita na kinakailangan natin na baguhin iyong current na quarantine classification although we are continuously monitoring, ina-assess araw-araw, ‘pag may nakita po tayong pangangailangan, atin po iyang irirekomenda,” pahayag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.
Nauna nang inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque na inaprubahan ni Pangulong Duterte ang pagsasailalim sa Metro Manila sa general community quarantine (GCQ) with heightened restrictions.
“It will all depend on the trends in the number of cases at saka po iyong whole genome sequencing results natin kung ano ang lalabas,” aniya.
Samantala, may panibagong 17 kaso ng Delta variant ang naitala ang DOH.