HINAMON ni Pangulong Duterte ang mga kawani ng gobyerno na ayaw pa ring magpabakuna na umalis na lamang sa serbisyo kaysa patuloy na maging banta sila sa mamamayan.
“Tama ‘yan sa gobyerno, ayaw mo magpabakuna, umalis ka. Go out of government. Why? Because when you are with the government you face people, people transact business officials, well, audiences or visits,” sabi ni Duterte sa kanyang Talk to the People Lunes ng gabi.
Naniniwala rin si Duterte na hindi maaaring gamiting rason ang relihiyon bilang dahilan para huwag magpabakuna laban sa coronavirus disease.
“Eh kung ikaw ang carrier, ‘wag mong sabihin na ang relihiyon mo o ayaw ng aming paniwala o I just don’t believe it. Well, I’m sorry ‘yung ganoon, it is completely irrelevant to us in government. Mabuti’t magkaintindihan tayo niyan,” ayon pa kay Duterte.