Duterte iaanunsyo bagong quarantine status sa NCR Plus

IAANUNSYO ni Pangulong Duterte sa kanyang public address sa Miyerkules ang bagong quarantine status sa NCR Plus para sa Mayo.


“Baka po si Presidente na ang mag-anunsyo dahil ang ‘Talk to the People’ po ay sa Wednesday,” ayon kay presidential spokesperson Harry Roque.


Ani Roque, makikipagpulong bukas ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases sa Pangulo upang talakayin ang kanilang rekomendasyon.


Matatandaang sinabi ni Roque na magdedesisyon ang IATF base sa agham at mga datos mula sa mga eksperto.


“(IATF) will review the attack rate and the hospital care utilization rate while checking the economic health of the nation. Our approach is whole-of-government and our overarching goal is to promote the total health of Filipinos, including people who have been marginalized due to loss of jobs and have experienced poverty as a result because of the imposition of strict lockdowns,” sabi niya.