HUWAG kayong maniwala sa oposisyon.
‘Yan ang giit na payo ni Pangulong Duterte sa PUBLIKO kasabay ang pagtanggi na nagsisinungaling ang gobyerno gaya na nais umanong iparating ng mga taga oposisyon.
“Sinasabi ko sa inyo iyong lahat nang lumalabas dito ‘yong katotohanan. Kung ayaw ninyong maniwala…ang sabi ko sa inyo huwag kayong maniwala diyan sa mga oposisyon, ‘yong mga dilawan, kasi ang lumalabas na lang nila is naghahanap ng mali maski wala at kung mayroon man eh nako-correct kaagad ‘yan,” sabi ni Duterte sa kanyang Talk to the People.
Tiniyak ni Duterte na hindi nagsisinungaling ang pamahalaan sa mga datos na isinasapubliko nito.
“Pero kung makinig kayo sa lahat ng istorya nila, sa narrative nila sa pang-araw-araw ng buhay ng Pilipino, eh talagang malilito kayo.” ayon pa kay Duterte.
“And ngayon sinasabi ko I am giving you the guarantee na hindi kami magsinungaling at hindi kami magtimpla-timpla ng sa totoo para lumabas ang ganda. Kung ang lumabas dito sa aming mga pagsasalita eh mali talaga ang gobyerno, eh iyon na ‘yon. At saka kung masama eh di prangkahan ko kayo na masama ang nangyari dahil ganito pala ang nagawa namin. So ganoon ‘yan,” dagdag pa ng pangulo.