NANAWAGAN si Health Secretary Francisco Duque III sa mga kandidato na ikampanya na magpa-booster ang mga Pinoy sa harap naman ng napipintong expiration ng tinatayang 27 milyong bakuna sa Hulyo.
“Nananawagan din po ako sa mga kandidato na habang sila po’y nangangampanya patungkol sa kanilang nais na plataporma ng pamumuno at pamamahala ay ikampanya na rin nila ‘yung bakuna,” sabi ni Duque.
Kasabay nito, nanawagan si Duque sa Kongreso na gawing mandatory ang pagbabakuna.
“We would welcome…if the Senate or Congress will…if they can muster that will, political will, to make vaccination and booster mandatory like in other countries. Pero alam ko this is going to be very controversial…” dagdag n Duque.
Nakatakdang magsagawa ng house-to-house vaccination ang pamahalaan matapos namang ipag-utos mismo ni Pangulong Duterte para maiwasan ang pagkasayang ng mga bakuna.