“BINARIL” ng Department of Trade and Industry (DTI) ang panukala na pagluluwag ng quarantine restrictions sa National Capital Region (NCR) sa Agosto.
Ani Trade Sec. Ramon Lopez, mas angkop ngayon ang general community quarantine sa Metro Manila dahil sa banta ng Delta variant ng Covid-19.
“Hindi pa ito ang panahon upang ilagay ang NCR sa modified general community quarantine (MGCQ) dahil sa kumakalat na Delta variant,” sabi ni Lopez.
Samantala, muling umapela sa DTI ang grupo ng mga restaurant owners na dagdagan ng 20 porsyentong kapasidad ang mga establisimento kung bakunado na lahat ng staff at ang mga customer. –Liza Soriano