NAGPOSITIBO sa Covid-19 si Transportation Secretary Jaime Bautista, ayon sa kanyang opisina.
Sa isang pahayag nitong Biyernes, sinabi ng Department of Transportation, naka-isolate na ngayon ang opisyal at nakararanas ng mild symptoms.
“Transportation Secretary Jaime Bautista has tested positive for COVID-19. He is now in isolation, and is exhibiting mild symptoms of headache and cough,” ayon sa DOTr.
Sinigurado naman ng DOTr na patuloy ang pagtatrabaho nito bagamat hindi ito makadadalo sa unang State of the Nation Address ni Pangulong Bongbong Marcos sa Lunes, Hulyo 25, 2022.