HINDI pinalagan ng Department of Tourism (DOT) ang rekomendasyon ng mga doctor na ipagpaliban muna ang pagpasok ng mga banyagang turista sa bansa sa gitna ng banta ng bagong Omicron variant.
“l’ve been listening to all the discussions and as agreed, we were supposed to restart tourism December 1. But then we heeded the advice of the doctors and we decided to temporarily suspend it first to see how this goes,” sabi ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat sa Talk to the People kagabi.
Nauna nang pinayagan ng Inter-Agency Task Force (IATF) na payagan na ang mga turista mula sa mga bansang nasa Green list.