NAKIUSAP ang Department of Health (DOH) sa mga simbahan na iwasan ang mga aktibidad na posibleng pagmulan ng pagtaas ng mga kaso mg coronavirus disease (Covid-19) matapos muling payagan ng pamunuan ng Quiapo Church ang pahali sa Itim Na Nazareno.
“Nakikiusap din po tayo sa ating mga churches, kung sakali po, baka puwede po tayong makipagtulungan sa kanila na iwasan muna po natin iyong mga activities that can have increased risk of transmitting infection to our citizens,” sabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.
Muling binuksan ng Quiapo Church ngayong Biyernes ang pagpapahalik sa mga deboto ng Nazareno
“Kung anuman po iyong mga pinapatupad natin na mga safety protocols dati, iyon pa rin po ang ating ipatutupad…At dito po sa ganitong practice, katulad ng paghalik sa mga poon, maaari pong magkaroon ng pagkakahawa-hawaan,” dagdag ni Vergeire.