DOH: Pwede pabakuna kahit saan




WALANG nakikitang mali ang Department of Health (DOH)! sa pagbabakuna kontra-Covid-19 ng isang indibidwal sa ibang lokal na pamahalaan.


Sinabi ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire na mayroon silang polisiya na maaaring mabakunahan ang isang indibidwal lalo na kung panandalian itong titira sa lugar.


Pero sinabi niya na depende ito sa mga pagkakataon dahil istrikto sila sa tinatawag na geographic limitations.


Ito ang reaksyon ni Vergeire matapos maging usap-usapan ang pagpapbakuna sa Davao City ni dating Defense Secretary Gilbert Teodoro na residente ng Tarlac. –A. Mae Rodriguez