MAGKAKAROON ng isyu sa karapatang pantao kung itutuloy ang segregation o paghihiwalay ng mga indibidwal na bakunado kontra Covid-19 at hindi.
Sa briefing, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na mahabang diskusyon ang kailanganin sa panukala ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion na paghiwalayin sa isang lugar ang mga bakunado at hindi.
“Mayroon po kasi tayong tinitingnan diyan na mga karapatang pantao kapag tayo ay nagkaroon ng ganiyang mga differentiation between the vaccinated and unvaccinated,” ani Vergeire.
Ang pinakamainam pa rin, ayon sa opisyal, ay sumunod sa mga health protocol ang lahat para makaiwas sa Covid-19.
“Ang tanging maipapayo ko po ay sana po magkaroon na lang tayo ng pag-iingat. Whether we be vaccinated or not, if only we will follow the minimum public health standard, iyon pong tiyansa ng pagkakahawa-hawa ay magiging mas maliit,” dagdag ni Vergeire.