DoH nangangamba sa Delta variant mula India

NANAWAGAN si Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa mga otoridad at sa mga lokal na pamahalaan na paigtingin ang border control sa harap ng banta ng mas mapanganib na Delta Covid-19 variant mula sa India.


“Ang pinakaimportante is our border control. Kailangan po pare-pareho ang ipatupad across the regions at kung ano ang inirerekomenda natin base sa advice ng ating experts, ipatupad natin nang maayos,” ani Vergeire sa Laging Hansa forum.


Idinagdag ng opisyal na napigilan lang ang pagpasok ng Delta variant matapos ipatupad ang health protocol sa 13 seaman na nanggaling sa India at nagpositibo sa virus.


Ayon kay Vergeire, mas matagal ang pananatili sa ospital at pagkakasakit ng mga tinatamaan ng Delta variant.


“Dapat aware tayo na kung saka-sakali mas mabilis ang pagkalat ng impeksyon.

Marami ang maoospital. Ito ay mape-prevent kung tayo ay magtutulong-tulong to implement these preventive measures sa borders sa komunidad at sa bawat pamilya,” dagdag niya. –WC