DOH nagulat sa EO ni Gov Gwen Garcia tungkol sa face mask

INAMIN ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na nagulat ang Department of Health (DOH) sa desisyon ni Cebu Governor Gwen Garcia na nagpapahintulot na huwag nang magsuot ng face mask sa outdoor setting sa lalawigan.

“Actually, kami rin ay nagulat, honestly. Nagulat kami nang lumabas ang executive order. This was not consulted sa amin sa DOH, nor with the ATF. Ang IATF, ngayong meron tayong public health emergency, sila yung kinalala na policy directing body ng buong bansa…meron tayong executive order na ipinalabas ang ating pangulo kung saan IATF has that authority,” paglilinaw ni Vergeire.

Idinagdag ni Vergeire na dapat manggaling sa Inter-Agency Task Force (IATF) ang lahat ng aksyon kaugnay ng coronavirus disease (COVID-19).

Sinabi pa ni Vergeire na dapat umaksyon ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa naging desisyon ng gobernador.

“The DILG has to look into this because DILG is the overseer of the local governments,” ayon pa kay Vergeire.

Ipinaliwanag pa ni Vergeire na sa ilalim ng Republic Act 113332 kaugnay ng mga Notifiable Diseases, maaaring mapanagot ang mga lokal na pamahalaan na hindi susunod sa kautusan ng national government.

“Meron din tayong batas na ipinatutupad yung RA11332 this is the RA on the notifiable diseases kung saan nasa loob kung ano rules and responsibilities ng bawat ahensiya tuwing meron tayong public health emergency. Kasama rin ho diyan ang mga prohibitions at violations na pwedeng ma-incur ng bawat isang tao o kaya ay institution kung sakali hindi sila mag-comply sa ipinatutupad nating pamantayan,” dagdag pa ni Vergeire.