DOH nagbabala sa muling pagtaas ng COVID cases dahil sa kampanya

NAGBABALA si Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na posibleng tumaas muli ang mga kaso ng coronavirus disease (Covid-19) sa bansa dahil sa pagdagsa ng mga tao sa isinasagawang pangangampanya ng mga kandidato.

“This is really a cause of concern. Ang lagi nating tatandaan, even though ang cases natin ay bumababa na, tatandaan natin that the virus is still here, the variants are still here, hindi lang po Omicron, nakakapag-detect pa rin po tayo ng Delta variant dito sa atin although mas marami na talaga ang Omicron,” sabi ni Vergeire.

Ito’y sa harap naman ng mga siksikang tao sa mga lugar kung saan isinasagawa ang mga kampanya ng tumatakbo sa eleksyon sa Mayo 2022.

“We have seen that these campaign sorties have resorted… nakapag-produce ng mga ganito kadaming gatherings…to our campaigners, ‘yun ating mga kandidato, sana tayo ‘yung maging modelo para maipakita natin sa mga tao na dapat tumutupad tayo lahat sa safety protocols,” dagdag ni Vergeire.