HUMINGI ng isang linggo ang Department of Health (DoH) para makapagdesisyon kung irerekomenda na alisin na ang face shield sa mga health protocol.
“Iyon pong face shields pinag-usapan din po kahapon sa IATF at nag-manifest po ang Department of Health na bigyan pa kami ng isang linggo para patuloy na pag-aralan. Ito pong face shield noong atin pong inirekomenda ‘to, ginamit po natin ang ebidensya at basehan na binigay po ng ating mga eksperto,” sabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.
Nauna nang sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na posibleng tanggalin na ang mandatory na pagsusuot ng face shield sa mga enclosed na lugar.
“So ngayon po niri-re-evaluate nila lahat ng existing evidence at ‘pag lumabas na po ito, magkakaroon na po tayo nang appropriate recommendation for the face shields. Pero definitely the Department of Health supports naman po itong pong ease ng mga proteksiyon katulad ng mga face shield dito po sa mabababa ang transmission. Kailangan lang po natin ng ebidensiya para mas mabuo po natin ang ating rekomendasyon sa IATF,” aniya.