LIMITADO pa rin hanggang sa family bubble ang Christmas at Halloween party kahit bumaba na ang bilang ng mga bagong kaso ng coronavirus disease sa bansa.
Ito ang tinukoy ngayong Sabado ni Health Undersecretary Maria Rosari Vergeire.
“Kapag mass gathering, hindi pa rin po natin pinapayagan. Pero kung iyong mga sinasabi na within the bubble of the family, maari naman pong gawin, kailangan lang talaga iyong safety protocols ay ipatupad,” sabi ni Vergeire sa harap naman ng nalalapit na pagdiriwang ng Halloween at Pasko.
Nagpaalala rin si Vergeire na dapat gawin sa labas ng mga tahanan ang mga isasagawang party.
“Gawin po natin sa labas ng ating mga tahanan, magkaroon sa outside na lang ng kung mayroong pagtitipon na ganito,” ayon pa kay Vergeire.