DOH bigo sa target: 1.5M nagpabakuna sa Nat’l Vaccination Day

INAMIN ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje na hindi nito nakamit ang target na 6 milyon ang mabakunahan sa ikatlong leg ng National Vaccination Day na ginanap ntiong Pebrero 10 hanggang 11.

Ayon kay Cabotaje, umabot lamang sa mahigit 1.5 milyon ang kasalukuyang nabakunahan sa pinalawig na National Vaccination Day na tatagal hanggang Pebrero 18.

“Marami sa ating mga areas sa NCR, medyo mababa ang coverage ng A2, iyong ating senior citizen. While 99% ang fully vaccinated, kapag tiningnan sa lahat ng mga priority group kailangan pang i-ipush natin iyong A2,” sabi ni Cabotaje.

Aniya, sa kabuuan umabot na sa 61.4 milyon ang fully vaccinated at siyam na milyon naman ang nagpa-booster.