MULING iginiit ng Department of Health na hindi mandatory ang pagpapabakuna laban sa coronavirus at hindi dapat maging requirement para sa mga empleyado at naghahanap ng trabaho.
“We do not recommend vaccination as one of the requirements for workers and those who are seeking employment,” pahayag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa briefing nitong Biyernes.
Malinaw anya ang sinasabi ng Section 12 of Republic Act 11525, na pinagtitibay nito na ang vaccine card “shall not be considered as an additional requirement for employment purposes.”
“It is clear in our law that vaccination is not mandatory,” giit nito, lalo ngayon na limitado pa rin ang bilang ng mga bakuna.
Sakabila nito, naniniwala si Vergeire na dapat magpabakuna ang publiko para dagdag proteksyon laban sa COVID-19.