Digong sa publiko: Huwag maarte sa bakuna

UMAPELA ni Pangulong Duterte sa publiko na huwag maging mapili sa bakuna kontra-Covid-19 at sinabing tanggapin na lang kung ano ang inilaan ng gobyerno.


Sa kanyang public address, inatasan din ni Duterte si vaccine czar Secretary Carlito Galvez, Jr. na pamahalaan ang distribusyon ng bakuna.


“Hindi ba sinabi ko sa inyo na there will be no discrimination, at hindi kayo makapili ng bakuna, pareho lahat ‘yan. Kung kayo magsabi, AstraZenica, Moderna akin, no, kung anong maibigay sa araw na ‘yan,” sabi ni Duterte.


Idinagdag niya na dapat ay makuntento ang mga mamamayan kung ano ang dumarating na suplay.


“Kung ano nasa harap n’yo, ‘yun na. Do not ask for special kind of… bulto per bulto ang naibigay. Hindi namimili ‘yan, kinukuha na lang at ibinibigay, Masangsang sa dila ‘yan pero karamihan ‘yung meron naghihintay ng US, Moderna saka Pfizer. Sabi ko hindi mangyari ‘yan, ke mayaman ka o mahirap ka ‘yun na ‘yung iyo, ang mamili si Secretary Galvez,” giit niya.


Matatandaang pinagkaguluhan ng mga residente ang pagbabakuna sa Muntinlupa City gamit ang vaccine mula sa Pfize.