MULING pinaalalahanan ni Pangulong Duterte ang mga Pinoy na dapat nang magpabakuna ang lahat kung nais nilang mabuhay nang mas matagal.
“Madali lang man ‘yan, mamili ka: matagal kang mabuhay o gusto mo nang mamatay? Diyan sa dalawang ‘yan, ‘pag kumapit ‘yang COVID na ‘yan, hindi pa natin alam itong Omicron, patay na. Mamili kayo: early demise or live longer?” sabi ni Duterte sa kanyang Talk to the People.
Kasabay nito, itasan ni Duterte ang Inter-Agency Task Force (IATF) na pag-aralan kung dapat nang ipag-utos na gawing mandatory ang pagbabakuna.
“So, it’s unfair. It’s actually to protect public — public, public health. The ministerial functions of government are: government can issue measures that would protect public health, public safety, public order, it’s in the police state, naka-ano ‘yan sa category police state,” ayon pa kay Digong.