INATASAN ni Pangulong Duterte ang mga lokal na pamahalaan at mga opisyal ng barangay na tiyakin na walang piyestang magaganap sa harap ng patuloy na banta ng coronavirus disease (COVID-19).
“I will not allow the violations of the guidelines given by the Task Force. And I will hold the local governments down to the last barangay level and, therefore, it could only be the barangay captains, I will hold you responsible for any violation sa mga itong mga batas na hindi natutupad,” sabi ni Duterte sa isinagawang Talk to the People Huwebes ng gabi.
Ginawa ng Pangulo ang pagbabawal sa mga piyesta bunsod ng mga inaasahang pagdiriwang ng kapistahan ng maraming lugar sa bansa tuwing Mayo.
“So ang hinihingi ko is that you only not tone down but forgo kasi may batas,” hirit ni Duterte.
“Forgo to congregate, to crowd and to hold. Eh walang problema alam ng Diyos na love natin siya pero ang problema ang — the necessary consequence of it all. So be mindful of that because we are still in the pandemic and there is no way of knowing how long this would last in this planet,” dagdag pa nito.