Digong pinatanggal face mask, shield ng reporter


INUTUSAN ni Pangulong Duterte ang isang reporter na alisin ang face mask at face shield nito dahil hindi niya umano maintindihan ang sinasabi ng huli.


Nagsisimula pa lang magtanong ang mamamahayag sa press conference ni Duterte sa pagpapasinaya ng LRT Line 2 Antipolo Station nang utusan ito ng Pangulo.


“I cannot make out (ng sinasabi mo) kasi may ano ka,” ayon sa Pangulo. “Tanggalin mo na lang ‘yan. Sabay na tayong magka-Covid.”


Wala nang face mask at face shield ang reporter na sumunod na nagtanong kay Duterte.


Matatandaan na paulit-ulit na sinasabihan ng Pangulo ang publiko na magsuot ng face mask para hindi mahawa o makahawa ng Covid-19.