Digong kay Sara: Hindi pwedeng Pfizer, Moderna lang

IBINASURA ni Pangulong Duterte ang kahilingan ng anak na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na tanging mga bakuna lang mula sa Pfizer at Moderna ang dapat ipadala sa lungsod.


“Now, itong vaccines na ano daw kasi itong brand na ito, mas mabisa, ano. Do not give that… Lahat ‘yang bakuna na ‘yan effective. Lahat ‘yan pinag-aralan. Kaya huwag ninyo akong sabihin na gusto ninyo ng Pfizer, ganoon. You get what’s available,” sabi ni Duterte sa kanyang Talk to the People.


Nauna nang ipinahinto ni Duterte-Carpio ang pagtuturok gamit ang mga China-made na bakuna na Sinovac at Sinopharm at iginiit na Pfizer at Moderna lamang ang dapat ipadala sa kanyang siyudad.


“Hindi puwede ‘yan. Sabi ko pareho ‘yan lahat. Huwag kayong mamili. Kung anong nandiyan ipadala sa inyo and I–specifically my order to Secretary Galvez na huwag niyang–do it purposely just to give this Pfizer o ano, haluin mo. Haluin mo ‘yan lahat. Dito magkuha ka ng limang vaccines, dito ano. Huwag kang–huwag kayong mamili. You have — you do not have the luxury of choice, if that’s the proper advice that I can give,” ayon pa kay Duterte. –WC