TAHASANG sinabi ni Pangulong Duterte na hindi pa rin siya kuntento sa bilis ng ginagawang pagbabakuna kontra coronavirus disease (Covid-19) sa bansa, kasabay ng muling babala sa mga lokal na pamalaan na mananagot ang mga bigong sumunod sa kanyang kautusan.
“Medyo hindi ako talaga ako kuntento to the sense I have reiterated by instruction to the agencies to make sure that our local government units will receive the daily jab performance so that our country can reach one milions jabs or more everyday,” sabi ni Duterte sa kanyang Talk to the People ngayong umaga.
Partikular na inatasan ni Duterte si vaccine czar Secretary Carlito Galvez, Jr., ang Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) na magbigay ng kinakailangang suporta para matiyak ang pamamahagi ng mga bakuna.
“I also ordered (Interior) Secretary Ano to provide the neccessary sanctions against LGUs and local executives who are not performing or using the doses given to them in the most expeditious manner. I will hold each and every LGU accountable for this,” ayon pa kay Duterte.