HINDI luluwagan ni Pangulong Duterte ang quarantine status sa Metro Manila kahit pa bumababa na ang kaso ng Covid-19 sa rehiyon, ani presidential spokesman Harry Roque.
Ipinapairal sa Metro Manila ang general community quarantine “with restrictions” hanggang Hunyo 30.
“I will not prejudge. Pero sa tingin ko po GCQ ang ating current quarantine classification sa Metro Manila. Mahirap po magbago ng classification as of now,” ani Roque.
Idinagdag ng tagapagsalita na magpupulong si Duterte at ang inter-agency task force pero malabo pang mag-anunsyo ang Pangulo ng bagong lockdown status dahil wala pa umanong rekomendasyon ang mga alkalde ng NCR. –WC