DI kailangan panic buying; palengke, groceries open po’

WALANG dahilan na mag-panic buying ang publiko bilang paghahanda sa paiiralin na enhanced community quarantine (ECQ) sa Lunes dahil mananatiling bukas ang mga tindahan, supermarket at botika, ayon sa Malacañang.


“Mga kababayan, huwag pong mag-panic. Hindi ito ang unang karanansan natin sa ECQ,” ani presidential spokesperson Harry Roque.


“Sa ECQ po, bukas lahat ng supermarket, bukas ang palengke at convenience stores, at sinisigurado ng (DA) Department of Agriculture at DTI (Department of Trade and Industry) na sapat ang bilihin sa lahat ng ating merkado. Walang dahilan para mag-panic buying,” dagdag ng opisyal.


Hindi rin kailangan ng quarantine pass para makalabas at makapamili. Tanging mga nasa edad 18 pababa at 65 pataas ang pinagbabawalang lumabas.