NANINIWALA si Senate Minority Leader Franklin Drilon na hindi dapat papasukin sa trabaho si Public Attorney’s Office chief Persida Acosta dahil hindi siya bakunado laban sa coronavirus disease.
Bukod dito, isa umanong insulto ito sa gobyerno dahil mismong tauhan nito ay ayaw magpabakuna.
“Hindi ba sampal iyon sa gobyerno. I hope it is not deliberate but Acosta’s recent statements can fuel vaccine hesitancy that we are trying to address,” ayon kay Drilon sa isang kalatas.
“Until she gets vaccinated, she should be barred from reporting to work,” dagdag pa ng senador.
Hindi anya katanggap-tanggap ang pagsuway ni Acosta habang binabawalan ng pamahalaan ang publiko na lumabas ng kanilang bahay kung hindi sila bakunado.
“If the government is serious about its ‘no vax, stay at home; no vax, no ride policy,’ it should apply it to all. Otherwise, it will not work,” dagdag pa ni Drilon.
Nauna nang inamin ni Acosta na pinili niyang huwag magpabakuna dahil sa kanyang edad at health consideration.