DepEd handa sa pagbabalik ng distance learning

INIHAYAG ng Department of Education na handa ito sa muling pagbabalik ng distance learning sakaling patuloy na tumaas ang kaso ng Covid-19 sa bansa.


Ani Education Secretary Leonor Briones:
“(Distance learning)!has always been there for the past how many decades, bata pa ako may distance learning na. It’s just that when the pandemic burst upon us, doon tayo nag-focus sa distance learning and the various modalities for distance learning pero nandyan lang palagi ‘yan.”


“Ready naman tayong bumalik agad-agad sa distance learning kasi nandyan na ‘yan e,” dagdag niya.


Binanggit din ng opisyal na marami na ang nakapagtapos dahil sa distance learning.


“Maraming mga prominent people nakatapos sa pag-aaral through distance learning especially at the graduate level at advanced level, usong uso ‘yung distance learning,” ani Briones. –A Mae Rodriguez