Dentista gagawing vaccinators

PAPAYAGAN umano ng Professional Regulation Commission (PRC) ang mga dentista na magbakuna kontra COVID-19, ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos Jr.

Kinakailangan lang na mag-isyu ng emergency order ang Department of Health (DOH) para bigyan ng permiso ang mga dentista na makapagbakuna.

“Sumulat na po ang Professional Regulation Commission, papayagan na daw po nila ang mga dentista na maging vaccinators kung mayroong emergency order galing sa DOH. Yan ang kailangan,” ayon kay Abalos.

“‘Di na kailangan i-amend ang batas at napakaraming manpower na maibibigay ito,” dagdag pa ni Abalos.

Sinabi rin ni Abalos, handa ang mga alkalde ng Metro Manila na magbakuna ng mga residente sa mga kalapit na lugar.

Aabot na sa 85 porsyento ang nabakunahan sa National Capital Region, ayon kay Abalos.