Delta variant end game na, Pasko magiging happy- OCTA

NANINIWALA ang Octa Research Group na patapos na ang nangyayaring pananalasa ng Delta variant sa bansa at inaasahang magiging maligaya ang Pasko ng mga Pinoy.

Sa isang panayam sa radyo, sinabi ni OCTA Research fellow Dr. Guido David na inaasahan ang patuloy na pagbaba ng mga kaso ng coronavirus disease (Covid-19) sa bansa.

“Over the next few weeks or few months endgame na yung Delta variant, meaning bakit natin nasabi yan kasi nakita sa ibang bansa tulad ng India, Indonesia, nilabanan nila ang Delta variant,” sabi ni David.

“Noong natapos na ang surge nila, noong bumaba na ang mga kaso nila, hindi na sila nagkaroon ng resurgence due to the Delta variant hindi na ulit nagkaroon ng wave, ng panibago,” dagdag ni David.

Aniya, ganito rin ang inaasahang mangyayari sa Pilipinas.

“Kapag nagawa natin ito, patuloy na yan hanggang Pasko, magiging maligaya rin ang Pasko natin,” dagdag ni David.