Delta + Omicron variant nadiskubre sa Cyprus

KINUMPIRMA ni Philippine College of Physicians (PCP) president Maricar Limpin ang pagkakadiskubre ng pinaghalong Delta at Omicron variant.

“Meron pa tayong na-identify na it’s a combination of Omicron and Delta variant. So, alam natin ang ibinibigay na bigat na sakit ng Delta tapos isama mo pa sa Omicron variant na napakabilis ng transmission ng sakit that we don’t know kung ano ang pwedeng mangyari,” sabi ni Limpin sa panayam ng DZMM.

Idinagdag ni Limpin na sa ngayon wala pang datos kung gaano katindi ang dalawang pinagsamang variant.

“Hindi pa natin masyadong alam ang datos basta ang alam natin is a combination, yung genetic. So that is something na kailangang tingnan pa natin kung ano ang effect nung combination nito, yung Deltamicron, yan ang tinatawag sa variant,” aniya.