SINABI ni Health Secretary Francisco Duque III na ang Davao City ang nakapagtala ng pinakamataas na kaso ng coronavirus disease (Covid-19) sa bansa matapos umabot sa 1,759 ang mga kaso sa naturang lungsod.
Sa Talk to the People kagabi, idinagdag ni Duque na sumunod ang Quezon City at Cavite sa mga may pinakamaraming kaso ng Covid-19.
“Iyan po ‘yung top three na mga nag-ambag doon po sa ating caseload,” aniya.
Samantala, bukod sa National Capital Region, ang Region VI-A at Region VII naman ang may pinakamatataas na kaso ng COVID-19.
“Sunod naman po ‘yung rest of Luzon nakikita po natin dito, nag-umpisa na rin pong mag-plateau. Hopefully, ito bumaba na rin in the coming days. Pero ang inoobserbahan po nating maigi, binabantayan natin ang Visayas and Mindanao,” aniya.