ITINANGGI ng Department of Health (DOH) na ang Davao City ang bagong sentro ng Covid-19 sa bansa sa kabila ng pagdami ng mga bagong kaso sa siyudad.
“Davao City is not an epicenter,” giit ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.
“We discourage the use of the term ‘epicenter’ in describing the rise of cases in an area,” dagdag niya.
Iniulat ng OCTA Research group na sa kasalukuyan ay mayroong average na 213 bagong kaso sa siyudad kada araw, mas mataas sa 207 kaso sa Quezon City.
Ipinaliwanag ni Vergeire na ang Ibig sabihin ng epicenter ay “hotspot for the infection” pero baka isipin ng marami na ito ay ang kung saan pinagmumulan ng sakit.
“Using the term ‘epicenter’ detracts from other surrounding areas which may be equally or more affected by Covid-19,” aniya.